Monday, May 28, 2012

Searching for elves... i found mafia

Since my hands are not made for working, look ako for elves that can install my floor boards, my range hood (yes, may range hood ako), bathroom fixtures, bathroom rack, etc. etc.. sus me , ang hirap pala mag recruit. and the elves population is mostly jejemon, so ang hirap intindihin ng text nila. most of the time, lost in transalation ako. pati ang mga workers sa kabilang condominium ininfiltrate ko na, wala pa rin. mahirap kausap. di sumasagot sa text, at kung sumagot man, di kow maintindihan pow. jejeje.

so thankful na rin ako at nakita ang resident handyman ng condo na yun. itago na lang natin sya sa ngalang Mang Bench. kahit mahal ang kanyang services, pinatos ko na rin kasi naman, naantala ang aking pag move in. kasi naman, kailangan ko ng gagawa at mag iinstall ng double lock (P150 per lock), magbubutas for the bathroom rack and fixtures (P50 per hole), mag iinstall ng aircon (P450), bidet (P150). buti  na lang ang pag lalagay ulit ng grout e libre na from the condo admin.

at dahil nga nagkapatong patong na ang mga pagawain.. nadiscover ko na rin ang mafia sa condo.

nung kailangan ko mag pa pintura kasi di na bagay ang aking walls for my brand new floors, si mang bench ang nag rekomenda ng pintor. turns out, maintenance yun sa condo.

nung kailangan ko ng mag gegeneral cleaning para malinis na ang paligid pati ang veranda, si mang bench din ang nag procure ng cleaning personnel who turns out to be a boy, who turns out to be a mason na worker din ng condo. hay. in ferness, efficient naman si mang bench. yung nga lang, bawat galaw nya may bayad. and im sure bawat taong dinadala nya sa condo para magtrabaho, me kumisyon sya dun.

howel papel..

No comments:

Post a Comment