Thursday, May 24, 2012

First Adventure - Wilcon Builders and MC home depot

Dahil ako ay isang do it yourself guy (read..natitipid) buy ako ng mga kailangan ko sa popular DIY store na wilcon builder.

Unang step, laminated floor boards. dahil sa pangit ang tiles ng condolet, ito ang unang project ko.
Pati na rin ang banyolito na mukang madilim at grimmy all around.

so look for laminated floor boards, bathroom fixtures, etc etc ang beauty ko.

at dun ko na realize na ang mahal pala talaga magpa renovate. Yung floor boards na akala ko e mura lang according to inay, e times 10 ang halaga. Hindi talaga lahat ng sinasabi ng magulang ay totoo.

So aside from the floor boards, buy din ako ng soap dispensers, towel racks, bathroom shelves, pati elusive na toilet seat cover. in furness, helpful naman ang mga katauhan duon sa Wilcon. Ang problema ko sa kanila ay ang kanilang delivery.

dahil nga paudlot-udlot lang ang aking interior design skills, i made two trips to wilcon. so dalawang batch na ang aking napamili for delivery. ang delivery fee nila ay P300.00. so keri lang tutal di naman ako ang mag aakyat n aking pinamili sa unit.

KASO, 12 boxes of floorboards ang binili ko, 10 lang ang dineliver. ang toilet seat di kasama. ang soap dispenser di rin kasama nung dineliver.. so .. sori daw at i dedeliver na lang nila ulit bukas.

o sya, wait ako kinabukasan...nadeliver na ang 2 boxes ng floorboards kaso ano naman ang nakalimutan dalin? ang towel ring. lecheng Wilcon ito. napaka inefficient!!!

at dahil sa inis ko, sa MC Home depot naman ako pumadpad to look for the sideboards. sus, ang inet naman dito!! at ang hirap maghanap ng mga gamit. para kasi itong batcave. madilim, mainit, mainit.. in furness, mas mura naman duon. doon nga ako nakabili ng aking eclectic chandelier e.

so everything (not everything) is in order, i think. pwede na ako maghanap ng trabahador.

No comments:

Post a Comment