At dahil mukang isang malaking bathroom ang condolet, pinapasyahan ko na papalitan ang flooring nito to do away with the cheapangang tiles na kinabit ng developer. Kaso sa sobrang dami naman ng restriction ng condo association (bawal ang mabigat na tiles, granite, etc) at me bayad pa ang additional installation, minabuti ko na maglaminated floor boards na lang para mag muka namang kwarto ang unit.
so ito and inadventure ko sa Wilcon builders to buy.. sabi ng nanay ko e mura lang daw yun, parang Php67.00 pesos lang per box. Apparently, nag senior moment si inay, kasi P1,103.00 per box ito that will cover approximately 1.87 sq. meters! Naman.. so to cover approximately 26 sq.m. kasi ang banyo e di naman lalagyan, kailangan ko ng at least 12 boxes to cover everything pati na spare to cover any errors.
e syempre inefficient delivery, so hindi ko napagawa agad. aside from the fact na ang hirap mag hanap ng gagawa (see earlier post)
dumating nga ang point na gusto ko e ako na lang ang tumira ng sahig na ito at nag umpisa na ako maghanap ng do it yourself video sa you tube. sabi rin kasi ni inay ay madali lang i install yung mga boards kasi interlocking naman daw.
buti na lang, si Mang Bench, ang all around handy man sa unit, ay may ni recommend na kilala daw nya.
at duon ko nakilala si Jason. matipuno, bata at balingkinitan ang katawan. ayy , bakit naging ganito ang entry?!? heniwey, sabi nya sya daw ay salesman ng laminated floor boards wherever. so know naman daw nya ikabit iyon. kaya daw gawin in one day. o sya, sige. sa halagang 3k, nagkasara na kami. so isang sabado, gora sya para gawin ang installation. aba mabilis nga gumawa.. at tama ang sabi ni inay na madali lang magkabit, so little eyfort. nabigla ata ako sa pag payag sa 3k. di bale, may dala naman syang sarili nyang electric saw. kaya rin mabilis ang pagtatabas at ang pagkagalit ng aking mga kapitcondolet.
at dahil nga mabilis sya magtrabaho, 2PM pa lang tapos na ang sahig. na inumpisahan nya ng 10AM at may break pa ng tanghalian.
Tapos sabi nya, "Mam, mas maganda kung may sideboards. Saka para rin hindi gumalaw yung boards."
e syempre kailangan ko pa bumili ulit nun. so sabi ko hahanap muna ako. pag may nakita ako, tatwagan ko na sya.
Lumipas ang mga araw at na miss ko na sya. Ayy, anubah, bakit ganito ang istorya??
Matapos ko maglibot sa CW at sa Home Depot, wala ako makita sideboards. So wala ako choice kundi i contact ulit si Jason. sabi nya, sya na daw bahala maghanap kung saan makakakuha.
so isang weekend ulit, nagkita kami sa condolet, at kasama nya yung bodegero daw ng isang condo na ginagawa malapit sa condolet ko. hindi ko na sasabihin kung anong condo at baka ma accuse pa ako ng fencing. so for an additional 3k ulit plus arkila nung jeep na nagdeliver nung mga sideboards na P500 ang damage. I swear, nanganganak ang gastos dahil sa kaartehan ko.
so eto na ang finis product. i think worth it naman na hindi na mukang isang malaking banyo ang unit ko. mukang malaking walk in closet na.