Wednesday, June 13, 2012

ang kitchen rack


at dahil nga maliit lang ang condolet, wala akong pantry. iniisip ko na magpagawa sana ng additional kitchen cabinets kaso, matataalan pa tyak yun plus ang mejo pahirap na sa bulsa ang mga mafia sa condo. so, naisip ko na gawing parang New York style, utilitarian motif ang kitchen side ng aking 30 sq. m. na liliput. una akong nagpunta sa Howards Storage para mag scout ng murang kitchen racks.. aba hindi mura ang kitchen rack dito. tapos lumipat ako sa true value. aba, parehong pareho ang istura. upon close scrutiny, saka ko napansin na ang paa nung rack sa true value e plastic wheel at saka parang hindi aligned ang mga stainless steel railings. so no choice ako kungdi bumalik sa Howards.
at dahil nga hindi naman ako carpenter bee, pina assemble ko na sa store yung rack, nung matapos na lang saka ko na realize na hindi ko kering bitbitin iyon hanggang parking. so kinailangan ko pang pahatid sa 2 staff para buhatin at ikamada sa oto ang binili kong kitchen rack. at dahil duon, kailangan ko pang magbigay ng tip. i swear, kung inipon ko ang lahat ng tips na naibigay ko sa mga kargador, delivery boys at kuyugs, pwede na ako makabili ng flat scren tv!

No comments:

Post a Comment