Wednesday, June 13, 2012
ang kitchen rack
at dahil nga maliit lang ang condolet, wala akong pantry. iniisip ko na magpagawa sana ng additional kitchen cabinets kaso, matataalan pa tyak yun plus ang mejo pahirap na sa bulsa ang mga mafia sa condo. so, naisip ko na gawing parang New York style, utilitarian motif ang kitchen side ng aking 30 sq. m. na liliput. una akong nagpunta sa Howards Storage para mag scout ng murang kitchen racks.. aba hindi mura ang kitchen rack dito. tapos lumipat ako sa true value. aba, parehong pareho ang istura. upon close scrutiny, saka ko napansin na ang paa nung rack sa true value e plastic wheel at saka parang hindi aligned ang mga stainless steel railings. so no choice ako kungdi bumalik sa Howards.
at dahil nga hindi naman ako carpenter bee, pina assemble ko na sa store yung rack, nung matapos na lang saka ko na realize na hindi ko kering bitbitin iyon hanggang parking. so kinailangan ko pang pahatid sa 2 staff para buhatin at ikamada sa oto ang binili kong kitchen rack. at dahil duon, kailangan ko pang magbigay ng tip. i swear, kung inipon ko ang lahat ng tips na naibigay ko sa mga kargador, delivery boys at kuyugs, pwede na ako makabili ng flat scren tv!
Monday, June 11, 2012
console
ito lang yatang condolet ko ang studio unit ang makikitaan ng console. para kasing napaka bare kung walang console table. e may na sight ako na console table na kinda reminds me of an abueva sculpture. e as if naman ma afford ko ang abueva di ba? so keri na ito for the time being.
Wednesday, June 6, 2012
ang painting -
sa sobrang kaartehan ko, hindi pa man natatapos ang condolet e gora na ako to get a new baldemor. buti na lang meron ako nakilala na pwedeng magbigay ng baldemor on gives basis. so finally, i have a baldemor european series na hanggang ngayon e naka bubble wrap pa dahil hindi pa nabubutasan ang walls na paglalagyan nito.
Monday, June 4, 2012
ang chandelier
ang first installation sa condolet ay ang aking christmas balls inspired chandelier. achuli ang gusto kong ilagay ay mirror ball, kaso ang dami ko na napuntahan na light stores, wala ako makita. may nakita nga ako sa MC home depot kaso hindi naman ito umiikot so, kebs.
at dahil nga ito ang unang installation sa unit. nagkagulo-gulo na ang theme. syempre hindi na bagay ang all wood furnitures dahil sa aking christmas balls in the air.
kailangan ko tuloy i pa repaint ang walls..
i was choosing between winter wonderland or polar bear white.
at ang nanalo.. polar bear!
at oo nga pala, ang chandelier can be operated remotely saka nagbabago sya ng level of brightness. pwede rin ang mood lighting..
un nga lang, since maina ang wattage, hindi na nya abot ng liwanag ang aking dinner table.
gastos na naman to get an additional lamp para lang makita ko ang kakainin kong lugaw.
Subscribe to:
Posts (Atom)