Ang unang plan of action ko ay mag lagay ng isang bench sa dining table na rectangular para double purpose na, pwedeng kainan at pwedeng pag trabahuhan. kaso ung napagtanungan ko na gumagawa ng wooden dining table and chairs, aabutin ng 35K for a set of three (table + 2 long bench) tapos, napag munimuni ko na if wooden furnitures ang ilalaay sa aking liliput, magmumukang masikip ang kapaligiran. so buy na lang ako ng glass round table.
at dahil nga round table, ang hirap hanapan ng silya.
solusyon: magapa sadya na alng ako ng isang quasi sofa. big for two pero small for three.
pati sa sulit.com e nag venture ako kakahanap ng supplier.
buti na lang meron ako nakita, kaso far away in Del monte quezon city ang shop.
so ang aming pag uusap ay naganap lamang sa e-mail at text.
minsan pa nga while out of the country ako, kailangan ko sagutin ang phone ko dahil lang sa di namin pagkakaintindihan sa specification on floor clearance. hmp.
so after ten days, nadeliver naman ang aking no compromise loveseat.
masyado sya malaki achuli. hindi ito ang na envision ko. dapat dun sya sa other side ng room. kaso kung sa original plan ko sya ilalagay, hindi na ako makakatawid to the other side of the room kaya against the wall na lang sya.
infurness, okay ang workmanship at may lifetime guarantee ito. yung foam na ginamit, 5 years warranty. pwede na rin. kasya na nga ako dito matulog if ever may mag stay over.