Wednesday, July 18, 2012
altar
marunong naman din ako mamgilin, so i asked Mang bench to construct an altar. ang altar na ito is from dimensione. actually pwede syang pang book case. hindi lang kita ang medallion ni St. Benedict na panlaban sa masasamang espiritu. buti na lang yumuko ng kaunti si mama mary kaya hindi sya nauntog sa kisame.
Friday, July 13, 2012
Monday, July 9, 2012
peonies
dahil idol ko si martha stewart, at dahil ang kanyang favorite flowers ay peonies.. it is only fitting na may representative part of martha stewart dito sa aking liliput.
sana naman ay magtagal ang buhay nitong mga mamahaling bulaklak na ito
Friday, July 6, 2012
murano
at dahil ako ay mabait na mamamayan, may isa akong kaibigan na nagtiyaga na mag hand carry ng murano glass na ito para daw i pang display ko sa aking liliput. maraming, maraming salamat kay S sa kanyang walang sawang pag bibit mula Milan hanggang Manila nitong paper weight na ito. hahah. ay hindi pala ito paper wieght kasi medyo malaki. baka pwede lalagyan ng kendi..
Wednesday, July 4, 2012
ang loveseat
Ang unang plan of action ko ay mag lagay ng isang bench sa dining table na rectangular para double purpose na, pwedeng kainan at pwedeng pag trabahuhan. kaso ung napagtanungan ko na gumagawa ng wooden dining table and chairs, aabutin ng 35K for a set of three (table + 2 long bench) tapos, napag munimuni ko na if wooden furnitures ang ilalaay sa aking liliput, magmumukang masikip ang kapaligiran. so buy na lang ako ng glass round table.
at dahil nga round table, ang hirap hanapan ng silya.
solusyon: magapa sadya na alng ako ng isang quasi sofa. big for two pero small for three.
pati sa sulit.com e nag venture ako kakahanap ng supplier.
buti na lang meron ako nakita, kaso far away in Del monte quezon city ang shop.
so ang aming pag uusap ay naganap lamang sa e-mail at text.
minsan pa nga while out of the country ako, kailangan ko sagutin ang phone ko dahil lang sa di namin pagkakaintindihan sa specification on floor clearance. hmp.
so after ten days, nadeliver naman ang aking no compromise loveseat.
masyado sya malaki achuli. hindi ito ang na envision ko. dapat dun sya sa other side ng room. kaso kung sa original plan ko sya ilalagay, hindi na ako makakatawid to the other side of the room kaya against the wall na lang sya.
infurness, okay ang workmanship at may lifetime guarantee ito. yung foam na ginamit, 5 years warranty. pwede na rin. kasya na nga ako dito matulog if ever may mag stay over.
Subscribe to:
Posts (Atom)